Game 5 isinuko ng Negros Slashers
November 23, 2000 | 12:00am
Opisyal na napagwagian ng San Juan Knights ang Game 5 ng MBA National Finals matapos na isuko ng Negros Slashers ang karapatang muling ituloy ang laban sa nalalabing 11:38 segundo ng final canto na ginanap sa Bacolod City noong nakaraang Linggo.
Bunga nito, hawak na ngayon ng Knights ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven titular series at kailangan na lamang nilang manalo sa Sabado sa kanilang home court upang tuluyan ng ibulsa ang korona ng Nationals.
Lamang ang Knights ng 22 puntos, 87-65, may 11:38 segundo ang nalalabi sa tikada sa Game 5 noong Linggo na ginanap sa USLS Coliseum sa Bacolod City kung saan dito naganap ang isang kaguluhan na tinampukan ng batuhan ng ibat ibang bagay sa playing area sanhi upang itigil ang naturang laro.
Nauna rito, umapela ang Negros na i-replay na lamang ang laban sa halip na muling ituloy ang nalalabing oras, ngunit tumanggi si MBA Commissioner Gregorio Narvasa at sinabi nito na ituloy na lamang ang laban na idaraos sa Ateneo Gym sa Quezon City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended