Ngunit sa Sabado ng gabi sa kanilang laban, inaasahan na matinding galit ang kapwa pakakawalan ng dalawang fighter na maglalaban para sa korona ng WBC international superflyweight na inagaw naman ni Peñalosa mula kay Pong Saengmorakot, isa ring Thai boxer noong nakaraang Mayo sa nasabi ring lugar. Nakatakda ang laban sa ganap na alas-8 ng gabi.
"Tatlong tulog na lang ang hinihintay natin," anang 28-gulang na si Peñalosa na umaasa ng kanyang panalo na magi-ging hakbang niya tungo sa kanyang kampanya na mabawi ang world title--na kasalukuyang hawak naman ni Masanori Tokuyama ng Japan.
Bilang reaksiyon sa unang pahayag ni Vorapin hinggil sa kanyang prediksiyon na tatapusin ang kampeon sa loob lamang ng limang rounds, sinabi ni Peñalosa na "madaling sabihin yon pero mahirap naman gawin. Gusto ko man sabihin yon ay alam kong mahirap kaya sa Sabado na lang natin makikita."
Inamin ni Peñalosa na may hawak ng ring record na 41 wins (26 KOs), tatlong talo at dalawang draws, ang labanan ito ang isa sa kanyang pinakamahigpit na laban sa kanyang career.
"Magaling din kasi. may straight, may hook at magaling na counter-puncher. Halos pareho lang kami ng style, slugger din siya," ani Peñalosa.