San Juan vs Negros ngayon sa MBA finals
November 22, 2000 | 12:00am
Tatapusin ngayon ng Negros at San Juan ang nalalabing oras ng kanilang natigil na laban noong Linggo matapos ang hindi inaasahang pangyayari sa isang closed door sa Game Five nang kanilang best-of-seven ng MBA National Finals.
Bunga ng pag-ulan ng ilang bagay-bagay sa playing area noong Linggo sa USLS Coliseum sa Bacolod City, napilitan ang mga opisyales na itigil ang nasabing laban kung saan hawak ng San Juan Knights ang 87-65 kalamangan, may 11:38 ang nalalabing oras sa final period.
Nilinaw ni Commissioner Gregorio Narvasa na dahil sa walang malinaw na rules hinggil sa nasabing situwasyon, kanyang gagamitin ang kanyang kapangyarihan bilang Commissioner ng liga at ipinag-utos niya na ituloy ang laban ngayon at hindi ire-replay.
Ang pagbabalik ng laro ay gagawin ng closed door sa hindi pa malamang lugar at ito ay napagkasunduan matapos ang ilang serye ng pulong sa Bacolod City at sa Manila na dinaluhan naman ng mga kinatawan ng Negros, San Juan, league officials at ABS-CBN.
Hindi makakaasa ang Negros sa serbisyo ni Cid White na pinatawan ng one game suspension matapos na mahuling siniko si Chris Calaguio ng Knights sa ulo sa third period ng Game 4 noong Sabado.
Isa pa sa problema ng Slashers ay ang pagkamit ng ikalimang foul ni John Ferriols nang kanyang tangkaing supalpalin si Calaguio.
Napagwagian ng Slashers ang Game 3 at 4 na dahilan upang maitabla ang serye sa 2-2.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended