Norte Dame, nangunguna pa rin sa under 16 football final 410

DAVAO--Namintina ng Notre Dame of Cotabato City ang kanilang giant-killing performance sa all-Cotabato Coke Go-for-Goal under 16 football finals noong Lunes nang kanilang pasadsarin ang perrenial Mindanao title-contender San Lorenzo Ruiz Academy, 2-1 sa Daniel Aguinaldo National field dito.

Bunga nito, kailangan na lamang ng Notre Dame na maipanalo ang kanilang laban kontra sa Notre Dame of General Santos City upang tuluyang ibulsa ang korona at umusad sa all-Mindanao finals na nakatakda sa Jan. 15-19 sa Cagayan de Oro City.

Show comments