" Five rounds, Gerry finished," ani Vorapin nang maging panauhin ito kahapon sa PSA Forum na ginanap sa Holiday Inn Hotel kung saan nakasama niya ang kanyang manager na si Leon Panoncillo, GAB chairman Dominador Cepeda at Sonny Barrios na kumatawan sa huma-hawak kay Peñalosa na si Atty. Rudy Salud.
"His chances are great because he has all the qualities and talent of a good fighter," pahayag naman ni Panoncillo, isang Filipino na nakabase sa Hawaii at kunektado sa Don King Promotions. "Of course, Gerry has a lot of talent but Ratanachai has the strenght."
Isa sa delikadong sandata ni Ratanachai ay ang kanyang solidong kaliwa--ito ay lubhang mapanganib na muntik ng ikamatay ng Mexican na si Fernando Ibarra sa kanilang nakaraang laban noong isang taon. Si Ibarra ay pinatulog ni Ratanachai sa sixth round at na-coma ito na hanggang ngayon ay sinisikap pa ring pagalingin, dahil ang kalahati ng kanyang katawan ay naparalisa.
"That makes him so unique," dagdag pa ni Panoncillo para sa garantisadong $5,000 ni Ratanachai sa laban kontra naman sa P1.2 million ni Peñalosa. " So its to be a good fight. Its going to be a slambang affair and may the best man win."
Ang mga tickets para sa nasabing laban na ipiprisinta ng San Miguel Beer ay mabibili na sa halagang P1,000 sa ringside, P600 sa lower box at P100 sa gallery.