Career ni Realubit binigyan ng kulay ng Tanduay
November 21, 2000 | 12:00am
Nagkaroon ng kulay ang career ng beteranong si Zaldy Realubit matapos malipat ng koponan sa naganap na trade sa pagitan ng Pop Cola Panthers at Tanduay Gold Rhum.
Kung sa Pop Cola ay halos bibihira na nitong masilayan ang basketball court, nagkaroon ng malaking pagbabago ang kanyang bagong career sa bakuran ng Tanduay.
Sinong mag-aakalang si Realubit na ipinalit ng Panthers sa dalawang second round draft picks sa Rhummasters ay ang magiging bayani sa mahalagang panalo ng Tanduay at umiskor ng kanyang career-high sa kanyang ikalawang laro sa bagong team.
Ito ang dahilan kaya iginawad ng PBA Press Corps ang PBA Player of the Week award para sa linggong, Nov. 12-19.
Sa debut game ni Realubit sa Tanduay, hinandugan nito ng magandang regalo ang koponan sa pamamagitan ng pag-iskor ng winning basket tungo sa 84-82, panalo ng Rhum-masters kontra sa defending champion San Miguel Beer.
Na-follow-up ni Realubit ang nagmintis na basket ni Jeffrey Cariaso bago tumunog ang final buzzer na naglapit sa Rhummasters sa twice-to-beat advantage sa quarterfinals round.
Bagamat nagtrabaho ng husto sina import Maurice Bell, Jeffrey Cariaso at Rudy Hatfield, nagtala naman ng career-high na 12-puntos si Realubit bukod pa sa 13-rebounds tungo sa 97-87 panalo ng Rhummasters upang tuluyan nang makuha ang twice-to-beat.
Tinalo ni Realubit ang mga kalabang sina Bong Ravena, Victor Pablo at Rudy Hatfield para sa naturang karangalan.
Makakalaban ng Tanduay ang Beermen sa quarterfinal phase sa Biyernes kung saan ang Rhummasters ay nangangailangan lamang ng isang panalo para makapasok sa semifinal round habang ang San Miguel Beer ay kailangang dalawang beses manalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 25, 2025 - 12:00am