Letran, Maynila nanalo sa PYBL

Pinayukod ng Letran College at ng Maynila ang kani-kanilang kalaban upang manatiling malinis ang kanilang record sa pagpapatuloy ng Philippine Youth Basketball League na dumayo sa Mail and More Sports Arena sa San Andres Gym.

Umatake ang Knights sa huling maiinit na bahagi ng final canto upang gapiin ang Gringo Warriors, 67-55, habang naungusan naman ng Maynila ang Jose Rizal College, 75-72 at kapwa itala ang kanilang ikalawang sunod na panalo upang makisosyo sa liderato.

Nanguna si Rene Artadi sa Maynila na gumawa ng 12 puntos, habang tumapos naman si Patrick Tiongco ng 20 puntos para sa Letran.

Show comments