^

PSN Palaro

Huling baraha ng Pop itataya ngayon vs. Sta. Lucia

-
Ngayon magkakaalam-alam kung sinu-sino ang maglalaban-laban sa quarterfinal round at kung sinu-sinong koponan ang may twice-to-beat advantage at kung magkakaroon ng playoff o wala sa pagtatapos ngayon ng elimination ng PBA season ending Governors Cup.

Ang dalawang larong nakatakda ngayon sa Araneta Coliseum ay ang tutukoy kung sinu-sino ang ookupa ng huling slot sa top-four na mabibiyayaan ng bentaheng twice-to-beat at kung sino ang ookupa sa ikawalo at huling slot sa quarterfinals.

At pagkatapos ng engkuwentro ng Purefoods TJ Hotdogs at Tanduay Rhummasters gayundin ng labanan ng Sta. Lucia Realty at Pop Cola Panthers ay matutukoy na kung sinu-sino ang maghaharap-harap sa susunod na round kung saan ang no. 1 team ay lalaban sa no. 8, no. 2 vs no.7, no. 3 kontra sa no. 6 at no. 4 laban naman sa no. 5.

Dahil krusiyal na laro ito para sa Pop Cola, kumuha ng bagong import ang Panthers, kinuha ang serbisyo ng kanilang second round draftee na si Allan Gamboa at ini-reactivate sa line-up si Nelson Asaytono.

Umaasa ang Pop Cola na maipupuwersa nila ang playoff sa tulong ni Bryatt Vann na pumalit kay Sean Green gayundin si Gamboa na binigyan ng Panthers ng tatlong taong kontrata.

Sakaling magtagumpay ang Pop Cola na nananatiling buhay ang pag-asa sa iniingatang 2-6 record ay magkakaroon ng playoff para sa huling slot sa quarterfinals laban sa Sta. Lucia rin na kanilang makakatabla sa ikawalong puwesto.

Ngunit kung mamamayani naman ang Realtors ay tapos na ang usapan at kumpleto na ang cast ng quarterfinals na kinabibilangan ng Mobiline Phone Pals (7-2), Red Bull (7-2), Alaska (5-4), Tanduay (5-3), Purefoods (5-3), Ba-rangay Ginebra (4-5) at ang defending champion San Miguel Beer (4-5).

Sigurado na sa twice-to-beat advantage ang Red Bull Thunder, Phone Pals at ang Purefoods dahil mas mataas ang kanilang qoutient alinman sa Alaska Aces at Rhummasters na kanilang posibleng makatabla sa ikaapat na puwesto kung sila ay mabibigo.

Dahil kumpleto na ang elimination assignment ng Aces, nasa mga kamay ng TJ Hotdogs ang kanilang tsansang makasama sa top-four ngunit ang kabiguan ng TJ Hotdogs ay nagangahulugan ng kanilang mahirap na kampanya sa quartertfinal round.

Ito na ang huling pagkakataon ng Realtors na makausad sa susunod na round nang walang kum-plikasyon matapos pakawalan ang kanilang nakaraang tsansa sa SMB na siyang nakapagsubi ng ikapitong quarterfinal slot sa pamamagitan ng kanilang nakaraang tagumpay sa Yñares Center kamakalawa.

Bagamat katabla ng Phone Pals ang Red Bull sa 7-2 kartada, nakuha ng Mobiline ang no. 1 slot dahil sa kanilang mas mataas na qoutient.

vuukle comment

ALASKA ACES

ALLAN GAMBOA

ARANETA COLISEUM

BRYATT VANN

KANILANG

KUNG

PHONE PALS

POP COLA

PUREFOODS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with