Tedjakusuma pasok sa finals ng Union Cement International Tennis Tourney
November 18, 2000 | 12:00am
Sumandig ang Indon wild card na si Romana Tedjakusuma sa kanyang baseline game upang makarating sa finals ng $10,000 Union Cement International Tennis Federation-Philippine Womens Week 1 singles sa Rizal Memorial Tennis Center.
Bumangon si Tedjakusuma mula sa ikalawang set na pagkatalo upang igupo si Wilawan Choptang ng Thailand, 4-0, 4-5 (2), 4-0, 4-1 at umusad ng isang panalo upang makuha ang kanyang ikalawang sunod na titulo ngayong taon.
"It was okay in the first set. But Choptang kept the ball in play in the second set and I lost my concentration," ani ng 24-anyos na si Tedjakusuma, na nanalo sa Ban-dung leg sa Indonesia noong nakaraang linggo.
"Its a good thing that I was able to regain my focus and win the next two sets," wika pa ni Tedjakusuma na kumumpleto ng kanyang Mathematics degree sa Nichols State University sa Louisiana noong nakaraang Mayo.
Makakaharap ni Tedjakusuma, tubong Surabaya ang mananalo sa pagitan nina Shruti Dhawan ng India at Miho Saeki ng Japan na ang kanilang sagupaan sa semifinal ay nakansela sanhi ng pagbuhos ng malakas na ulan.
Napagwagian ni Dhawan, ang Indias top junior noong 1998 ang unang set, 4-1 at nakuha naman ni Saeki ang ikalawa, 4-2 at lamang ito sa 30-all nang bumuhos ang ulan.
Itutuloy ang laban nina Dhawan at Saeki ngayong alas-9 ng umaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am