^

PSN Palaro

Bagong import ng Pop Cola isasabak sa PBA Governors Cup

-
Nakatakdang dumating ngayong gabi ang hindi kilalang si Bryan Brann upang pumalit sa puwesto ni Sean Green bilang reinforcement ng Pop Cola na nangangailangan ng mahalagang panalo sa kanilang huling asignatura kontra sa Sta. Lucia Realty bukas upang ipuwersa ang playoff para sa huling quarterfinals berth sa PBA Governors Cup.

Sa kasalukuyan, taglay ng Panthers ang 2-6 win-loss slate na ang huling limang laro ay pawang talunan sa dahilang si Green ay ginagambala ng sprain sa kanyang bukungbukong na kanyang natamo sa kanilang laban kontra sa Purefoods Tender Juicy Hot-dogs noong nakaraang Oktubre 11.

Si Green ay pansamantalang hina-linhan ni Cedrick McCullough, ngunit yumukod din ang Pop Cola kontra sa Mobiline Phone Pals sa kanilang out-of-town game sa Albay Astrodome sa Legazpi City na dahilan upang muling ibalik ni coach Chot Reyes si Green.

Nauna rito, nakipag-usap na ang Pop Cola na kunin si Cris Clay sa Laguna Lakers sa MBA upang lumaro sa kanilang bilang reinforcement. Ngunit ang nasabing ideya ay hindi nag-materialized sa dahilang maaaring masabotahe ang paglalaro ni Clay sa MBA.

Sa kabila nito, hinugot ng Pop Cola ang isang manlalaro na may taas na 6’5 mula sa MBA sa katauhan ni Arnold Gamboa ng Iloilo Megavolts kapalit ni Zaldy Realubit na ipinamigay naman nila sa Tanduay Gold Rhum noong Lunes. (Ulat ni A .C. Zaldivar)

ALBAY ASTRODOME

ARNOLD GAMBOA

BRYAN BRANN

CHOT REYES

CRIS CLAY

GOVERNORS CUP

ILOILO MEGAVOLTS

LAGUNA LAKERS

LEGAZPI CITY

POP COLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with