Naibulsa ng 12-anyos na si Balanga, na sinanay sa Madrid Tennis Center sa Spain bago siya nagbalik sa Dagupan City ang korona sa girls 16-under division, habang napasakamay naman ni Bedan Cuarto ang titulo ng boys 16-under category sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng official outfitter Adidas at ng Sports Kids.
Nakisosyo sa karangalan nina Balanga at Cuarto sina Gerard Vergavera ng Bacolod na bumokya naman kay Juan Felipe Mayor sa unisex 10-under bracket; Raymond Villarete ng La Salle-Greenhills na nag-tala ng 6-3, 6-0 pamamayani kontra Jopy Mamawal ng San Beda sa boys 12-under division; Bedan JR Celestino na pumigil naman kay Jimmy Tangalin ng Baguio, 6-4, 5-7, 6-4 sa boys 14-under class at Ghande Matunog na nagposte ng 3-6, 6-4, 6-2 panalo kontra Carlo Manalastas para sa boys 18-under category.