Umarangkada kaagad sa unang bahagi ng laba-nan ang Energy Drinks at di nagpabaya sa second half kung saan umabante ng 39-puntos ang Shark upang ipalasap sa Pharma Quick ang kanilang ikala-wang sunod na talo.
Isinara ng Shark ang unang quarter na taglay ang 23-9 kalamangan na kanilang pinalobo sa 47-22 sa pagsapit ng halftime na di na nagawang tibagin pa ng Pharmna Quick sanhi ng kanilang kabiguan.
Samantala, nalimitahan ng FEU-Mr. Wash ang NCAA champion College of St. Benilde sa dalawang puntos sa overtime tungo sa 72-64 panalo upang makopo ang solong pangunguna sa Group B ng 1st Philippine Youth Basketball League.
Nauna rito, naitala naman ng Colegio de San Juan de Letran ang tagumpay sa kanilang debut game sa Group A matapos ang 70-62 panalo kontra sa Mapua Institute of Technology.(Ulat ni Carmela Ochoa)