^

PSN Palaro

Saret umusad sa quarterfinals

-
Sinibak ng Filipino wild card Jenifer Saret ang kababayang si Kristel Samala, 4-0, 4-0, 4-0 kahapon upang makasama sa tatlong nalalabing seeded players sa quarterfinals ng Union Cement International Tennis Federation-Philippine Women’s Future Week 1 sa Rizal Memorial Tennis Center kaha-pon.

Umusad ang four-time PCA Open champion na si Saret kontra sa Thailand Federation Cup team mainstay Wilawan Choptang na nangailangan lamang ng dalawang oras at 37 minutos upang gapiin ang Japanese na si Naoko Horikawa, 4-1, 2-4, 4-2, 4-1.

Pinatalsik naman ng world’s No. 317 Korean na si Chae Kyung-Yee na naging highest ranked player sa isang Linggong event na ito na suportado ng Grand Slam Development Fund at ng Phinma Group of Companies makaraang hindi makarating ang top seed na si Shelley Stephens ng New Zealand (308) ang local wild card entry na si Czarina Mae Arevalo, 4-2, 4-1, 4-0 upang itakda ang kanyang pakikipagharap kontra Japanese Miho Saeki.

Nangailangan lamang si Saeki, nagpatalsik rin sa No. 6 na si Orawan Wongkamalasai ng Thailand sa second round ng 49 minutos upang tapusin ang kababayang si Madoka Suzuki, 4-1, 4-0, 4-1.

Bumangon naman ang seventh-seed Korean na si Kim Jin-Hee mula sa dalawang set na pagkakabaon upang ihakbang ang kanyang sarili sa susunod na round matapos na sumuko ang kalabang si Remi Uda ng Japan sa fifth set sanhi ng kakapusan ng paghinga, 1-4, 1-4, 4-2, 4-2, 2-0 (ret.).

Haharapin ni Kim, kasalukuyang No. 673 sa daigdig ang Indon na si Romana Tedjakusuma na tumalo naman sa Amerikanang si Jennifer Fiers, 4-2, 4-0, 4-1.

Sa women’s doubles, pinabagsak ng tambalang Tedjakusuma at Wongkama-lasai ang American pair nina Audrey Banada at Dianne Matias, 4-1, 3-5, 5-3, 5-4, habang nanaig din ang pareha nina Chao at Fiers sa duo nina Uda at Saeki sa pamamagitan ng walkover upang makarating sa second round.

AUDREY BANADA

CHAE KYUNG-YEE

CZARINA MAE AREVALO

DIANNE MATIAS

FUTURE WEEK

GRAND SLAM DEVELOPMENT FUND

JAPANESE MIHO SAEKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with