Blinangka ng powerhouse team Quezon City na binanderahan nina International Master (IM) Ricky de Guzman, NM candidate Willy Abalos, Pertlito Datu, Ramil Acosta at team captain Nonito Zuñiga ang Bureau of Customs A upang itala ang apat na puntos sa kanilang unang laban sa seven round Swiss System tourney na ito.
Hiniya ni de Guzman si Wilfredo Maniego sa 36 moves ng Dutch defense, sinalanta ni Abalos sa board 2 si Romeo Dumag sa 39 sulungan ng Sicilian-Kann variation.
Pinayukod ni Datu si Eudes Nerpio sa 42 moves ng Stonewall variation sa board at ginapi naman ni Acosta si Danilo Ramsa sa 47 sulungan ng bihirang gamitin na Birds Opening sa board 4 upang kumpletuhin ang kanilang pananalasa kontra sa Bureau of Customs A.
Sa iba pang laro, itinala rin ng Philippine Navy ang kanilang unang panalo kontra sa Comelec upang makisosyo sa liderato.
Tinalo rin ng Muntinlupa ang DPWH, 3.5-.5, sinilat ng Social Security System A ang Ombudsman A, 3.5-.5, hiniya naman ng PNP ang Bangko Sentral, 3.5-.5.