^

PSN Palaro

QC chessers nagparamdam

-
Naging maningning ang debut game ng Multi-titled Quezon City wood pusher sa opening round ng Millennium Intra-government chess team championship na ginanap noong Lunes ng gabi sa Social Hall, Bureau of Customs, Port Area, Manila.

Blinangka ng powerhouse team Quezon City na binanderahan nina International Master (IM) Ricky de Guzman, NM candidate Willy Abalos, Pertlito Datu, Ramil Acosta at team captain Nonito Zuñiga ang Bureau of Customs ‘A’ upang itala ang apat na puntos sa kanilang unang laban sa seven round Swiss System tourney na ito.

Hiniya ni de Guzman si Wilfredo Maniego sa 36 moves ng Dutch defense, sinalanta ni Abalos sa board 2 si Romeo Dumag sa 39 sulungan ng Sicilian-Kann variation.

Pinayukod ni Datu si Eudes Nerpio sa 42 moves ng Stonewall variation sa board at ginapi naman ni Acosta si Danilo Ramsa sa 47 sulungan ng bihirang gamitin na Birds Opening sa board 4 upang kumpletuhin ang kanilang pananalasa kontra sa Bureau of Customs A.

Sa iba pang laro, itinala rin ng Philippine Navy ang kanilang unang panalo kontra sa Comelec upang makisosyo sa liderato.

Tinalo rin ng Muntinlupa ang DPWH, 3.5-.5, sinilat ng Social Security System A ang Ombudsman A, 3.5-.5, hiniya naman ng PNP ang Bangko Sentral, 3.5-.5.

vuukle comment

BANGKO SENTRAL

BIRDS OPENING

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF CUSTOMS A

DANILO RAMSA

EUDES NERPIO

GUZMAN

INTERNATIONAL MASTER

MILLENNIUM INTRA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with