Colegio de Sta. Rosa hiniya ng St. Scholastica sa Milo women's Basketball

Hiniya ng St. Scholastica’s College ang Colegio de Sta. Rosa, 47-30 noong Linggo at umusad tungo sa dalawa pang panalo para maka-sweep sa kanilang asignatura sa elementary division ng Milo Best Center women’s Basketball League sa Ateneo covered courts.

Sa kanilang walong sunod na panalo, namintina ng St. Scho girls ang kanilang one-game abante kontra sa Community Learners (7-1) na nanalo naman sa Dominican School.

Naitala naman ng Holy Family School ang 38-30 tagumpay kontra sa Makati High sa high school division.

Nanaig din ang Diliman Preparatory School kontra sa Parañaque National High, 34-20 at namayani naman ang New Era University laban sa Jubilee Christian Academy, 41-37.

Show comments