^

PSN Palaro

Saret humirit agad sa Union Cement International Tennis Tourney

-
Nagpamalas ng mahusay na porma ang Filipino wild card na si Jennifer Saret upang ihakdang ang kanyang sarili sa second round ng $10,000 Union Cement International Tennis Federation-Philippine Women’s Futures Week 1 sa Rizal Memorial Tennis Center kahapon.

Sumandig si Saret, sariwa pa sa kanyang pamamayani ng titulo sa Milo Open Tennis Championship noong nakaraang linggo ng husay sa court nang kanyang hatakin ang 4-0, 4-1, 4-0 panalo kontra local qualifier Deena Rose Cruz ng St. Benilde sa loob lamang ng 30 minutos.

Susunod na haharapin ni Saret, isang four-time PCA Open champion ang qualifier na si Kristal Samala na nanalo ng default kontra sa third seed at world’s No. 403 Jayaram-Sai Jayalaksmy ng India.

Umusad din si Czarina Mae Arevalo, isa ring local wild card at ang Taiwanese Chao Hsiao-Han sa susunod na round ng wala man lamang hirap.

Itinakda ni Arevalo, nanalo ng walang hirap nang hindi sumipot ang Amerikanang si Audrey Banada ang kanyang pakikipagharap sa second round kontra No. 2 Korean Chae Kyung-Yee na nananlo laban naman sa German na si Catherine Turinsky, 4-0, 4-2, 4-1 sa isang linggong tournament na ito na hatid ng ITF Grand Slam Development Fund at Phinma Group of Compnaies.

Sa kabila nito, hindi rin pinagpawisan si Chao sa kanyang kalaban kontra sa isa pang Amerikanang si Jvotsa Vasisht na hindi ring dumating at itakda ang kanyang pakikipagharap laban sa No. 8 Jennifer Schimidt ng Austria na gumapi sa local qualifier na si Geminesse Co, 4-0, 4-0, 4-0.

AMERIKANANG

AUDREY BANADA

CATHERINE TURINSKY

CZARINA MAE AREVALO

DEENA ROSE CRUZ

FUTURES WEEK

GEMINESSE CO

GRAND SLAM DEVELOPMENT FUND

JAYARAM-SAI JAYALAKSMY

JENNIFER SARET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with