Makakaharap ni Saret, sariwa pa mula sa kanyang pagbulsa ng titulo sa Milo Open Championships noong nakaraang Sabado ang local qualifier na si Deena Rose Cruz, habang makakasagupa naman ni Arevalo, runner-up sa Brunei Juniors Championships noong nakaraang buwan ang Amerikanang si Audrey Banada.
Ang iba pang locals na magpapakita ng aksiyon sa isang ling-gong event na ito na suportado ng ITF Grand Slam Development Fund at Phimna Group of Companies ay sina qualifiers Kristal Sa-mala, Geminesse Co, Ziarla Battad at Josephine Paguyo.
Makikipagpalitan si Samala ng paluan sa third seed at world’s No. 403 Jayaramsai Jayalakshmy ng India; makakalaban naman ni Co ang eight-seeded at world’s No. 683 Jennifer Schimidt ng Austria; haharapin naman ni Battad ang world’s No. 753 Remi Uda ng Japan at makikipagtagisan ng lakas si Paguyo kay Madoka Suzuki ng Japan.
Magtitipan ang world’s No. 308 Shelley Stephens ng New Zea-land, ang No. 1 seed sa tournament na it ona may alok na $1,568 sa singles champion si Romana Tedjakusuma ng Indonesia, habang magpapalitan naman ng estratehiya sina second pick Chae Kyung-Yee ng Korea, kasalukuyang No. 317 sa daigdig at Catherine Turinsky ng Germany.