Nakopo ng 20-anyos na si Rogelio Neri ng University of Cebu ang isang slot para sa National Finals sa Manila nang kanyang itala ang magaang na panalo, habang iginupo naman ni Irish Salatandol, isang 20-gulang mula sa South Western University sa Cebu ang kanyang mga kalaban sa womens side.
Itinala ni Neri ang tiyempong 35:05 at ibinulsa ang P5,000 premyo, sumunod sa kanya si Tirso Pamaybay ng South Western University na may 35:12.
Nakipagsabayan si Neri, isang sophomore Criminology student, sa three-man lead pack kasama sina Pamaybay at defending champion Bowen Montecillo mula sa umpisa sa Cebu City Sports Complex, hanggang huling dalawang kilometro,at nagawa niyang kunin ang trangko upang solong tumawid ng finish line.
Pumangalawa naman sa kababaihan si Mertila Arias mula rin sa SWU na may tiyempong 44:25 at ang huling qualifying slot ay napunta naman kay Amale Mendoza.