Pinoy archers naka-bronze sa Asian Archery Circuit
November 12, 2000 | 12:00am
HONGKONG--Respetadong tinapos ng Philippine team ang kanilang kampanya sa international competition nang ibulsa ng mens team ang bronze medal sa 4th leg ng Asian Archery Circuit sa Siu Sai Wan Sports Ground dito kahapon.
Niyanig ng RP mens squad na binubuo ng mga beteranong sina Oscar Briones at Christian Cubilla at ng bagong recruits na sina Marvin Cordero at Bryan Carlo Figueroa ang Hongkong-China A, 154-147 sa bronze medal match.
Nauna rito, pinayukod ng Philippines ang Thailand, 227-213 sa quarterfinals bago yumukod sa Japan sa semifinals, 255-239.
Ang ikatlong puwestong tinapos ng mens team ang siyang lumukob sa kani-kanilang individual matches sa 70 meter event.
Nasilat si Briones ng kalabang si Chia Yoshimasa Inoue ng Japan, 147-149; natalo naman si Cubilla kay Chia-Hsing Wang ng Chinese-Taipei, 153-154; hindi rin nakaporma si Figueroa sa kalabang si T. Gantugs ng Mongolia, 153-154 at naungu-san naman si Cordero ni Kam Sing Chan ng Hongkong A, 148-151.
Tumapos naman ng ikapitong puwesto ang 18-gulang na si Adelinda Figueroa, silver medalist sa 70m at 50m event sa Malaysian International Invitational noong nakaraang Oktubre sa overall ranking makaraang igupo si Sukman Wong ng host Hongkong-China A, 144-124.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended