Milo Marathon Cebu Leg lalarga na
November 9, 2000 | 12:00am
Huling pagkakataon na ng mga runners mula sa Visayas region na makakuha ng qualifying slot para sa Milo Marathon 42K finals kung saan ilalarga ang Cebu leg ng 24th Milo Marathon sa Linggo na magsisimula at magtatapos sa Cebu City Sports Complex.
Inaasahang hahakot ang Cebu regional race ng mahigit sa 1,500 runners kabilang ang 3K at 5K fun run ang siyang kahuli-hulihang Southern region qualifying leg ng pinakamalaking running road race ng bansa matapos ang mga nauna ng eliminations na ginanap sa Tacloban, Kalibo, Davao at Cagayan de Oro na ang dalawang huli ay idinaos sa Mindanao.
Inimbitahan sina Cebu City Mayor Alvin Garcia kasama si Anthony Luy, Federation President ng Cebus Sangguniang Kabataan upang magpaputok ng baril sa starting line.
Maraming bilang ng mga paaralan mula sa Cebu ang nagkumpirma ng kani-kanilang paglahok kabilang ang Cebu City Gothong Memorial High School, University of the Phils., Don Sergio Osmeña Memorial High School, Barrio Luz Elementary School at Cebu City Science High School na inaasahang magpapalaki ng bilang ng mga kalahok na mag-aaral sa side events.
Idedepensa ng nakaraang taong kampeon na si Bowen Montecillo ang kanyang korona, ngunit kung sakali mang siya ay manalo, hindi pa rin siya makakalahok sa Milo Marathon 42K finals sa Manila sa dahilang siya ay 17-anyos pa lamang. At tiyak na paglalabanan nina Rogelio Reli, winner sa Catarman leg noong nakaraang taon at 1999 Cebu leg third placer Armando Salazar ang top qualifying spot sa 10K race.
Mangunguna sa listahan ng womens division ang troika nina Liezl Lumindas, Irish Salatandol at Nesiree Mendoza.
Matapos ang Cebu leg, iho-host naman ng Baguio City ang final qualifying run sa Nov. 26, ayon sa Milo national race organizer Rudy Biscocho.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am