Shell Taxi King challenge ilulunsad

Sa pakikipagtulungan ng Riverbanks Center, muling ilulunsad ng Race Motorsports Club at event presentor Pilipinas Shell Petroleum Corporation ang Shell Taxi King Challenge ngayong Linggo, No. 12 sa Riverbanks Marikina Parking lot.

Nasa ikatlong edisyon na ang naturang event na co-sponsored ng Firestone, Bridgestone, Forsc Ink Mobiline System at Fuji Film ay may dalawang kategorya ng paligsahan partikular na ang Shell Rimula J Mega Taxi class para sa mga mega taxis at Shell Helix Taxi class para naman sa mga regular na mga taxi.

Ang bawat division ay maaåaay kabuuang premyo na P22,000 na paghahati-hatian ng top-three winners maliban pa sa karagdagang premyo sa Pinakamapormang Taxi category.

Libre ang rehistro sa mga sasali basta’t magdala lamang ng basyong Rimula J container para sa mega taxi at Shell Helix oil para sa regular taxi class. Tatanggap din ng libreng limang litro ng Shell Rimula J motor oil, Shell Super Brake fluid, t-shirt, cap, keychain ang sasali sa mega taxi at apat na litro naman ng Shell Helix, Shell Super Brake fluid, t-shirt at cap sa regular taxi event. Para sa iba pang detalye tumawag lamang sa 9286951, 9206356 o 09178119337.

Show comments