Adidas King of the Road Race nakatakda sa Nobyembre 19
November 8, 2000 | 12:00am
Mas malaking karera ang inaasahan sa Adidas King of the Road Race ngayon taon ang magaganap.
Nakatakda sa Nov. 19 na magsisimula at magtatapos sa Cultural Center Complex grounds, pinalawig ng Adidas Phils., ang kanilang event na kinabibilangan ng 3K fun run para sa mga kabataan na may edad 6-9 at 10-12, bukod pa ang main na 21K King of the Road Race at ang 10K at 5K fun runs.
"This is in line with our thrust to promote sports among the young as they will be our future athletes. To encourage their participation, we are also holding an inter-school contest for the most number of finishers in the 5K race. Prizes at stake are P10,000, P5,000 and P3,000 for the top 3 schools," pahayag ni Sonny Nebres, Adidas Phils., Marketing Director.
Upang magmapasama, kailangan na ang isang paaralan ay mayroong hindi bababa sa 50 mag-aaral na kalahok sa karera at ang lahat ng estudiyanteng runners ay kailangang magsumite ng kani-kanilang photo copies ng kanilang school ID card para sa kasalukuyang school year kasama ang kani-kanilang entry forms. Ang entry fee ay P30 sa bawat mag-aaral at ang entries ay kailangang isumite ng sabay-sabay ng kanilang paaralan sa isang beses na pagkakataon lamang.
Pagkakalooban naman ng cash at gift certificates na P5,000 cash at P3,000 gift certificates ang kampeon sa 10K, habang tig-P2,000 at P1,000 cash at gift certificates ang ibibigay para sa 2nd at 3rd placers, ayon sa pagkakasunod.
At sa main Adidas King of the Road half-marathon, tatanggap ang men’s at women’s champions ng P10,000 cash at P5,000 gift certificates, ayon sa pagkakasunod, mag-uuwi naman ang 2nd placer ng P4,000 at P3,000, habang ang 3rd finishers ay tatanggap ng P2,000 at P1,000, ayon sa pagkakasunod.
Kasalukuyan ng idinadaos ang patalaan sa lobby ng Greenhills Theater sa Greenhills Shopping Complex sa Ortigas Ave., San Juan. Makukuha rin ang mga entry forms sa lahat ng Adidas outlets, Toby’s at Athletes Foot stores.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended