PRAMA-UNIC Football umarangkada

Naglabas ng intensibong opensa ang Los Baños Football Club Shinbusters upang hiyain ang University of Perpetual Help-Laguna, 8-4 noong Linggo upang makuha ang under-21 age category para sa lalaki sa Laguna leg ng Philippine Retirement Authority Members Association-United Nations Information Center (PRAMA-UNIC) Football sa San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.

Binasag ni UPHL’s Joey Legaspi ang katahimikan nang kanyang kumpletuhin ang 40-yard corner kick matapos na mabigo si Los Baños FC goalkeeper na masalo ang bola na gumulong patungo sa puwesto ni Legaspi na handa ng gumawa ng isang kill sa unang minuto ng laro.

Isang solo run mula sa midfield ang kinana ni Paul ‘Apol" Lustria sa 10 minute upang itala ang 1-0 kalamangan, bago nagising ang Los Baños sa 23rd nang kumana naman si Jeffrey Pesquisa ng home three marker sa 12th, 18th at 31st minutes, ayon sa pagkakasunod, habang nagdagdag naman ang ka-teammate na si Rafael Manalo ng tatlong markers sa 49th, 56th at 71st tungo sa kanilang panalo.

Sa Open Ladies Division, pinabagsak naman ng University of the Philippines-Los Baños lady soccerettes ang UNSON Eleven, 23-0 at sa 12-14 category para sa lalaki, blinangka ng UPLB-Camp Vicente Lim ang Los Baños Eagles, 5-0 habang sa 15-18 class, sinilat ng Masaya Booters ang Letran College-Calamba, 1-0.

Show comments