^

PSN Palaro

Welcoat Paint Masters ididepensa ang titulo

-
Dalawang umaatikabong salpukan ang nakatakda ngayong hapon sa Makati Coliseum.

Sisimulang idepensa ng Welcoat Paint Masters ang kanilang hawak na titulo, habang isang magandang debut game naman ang ibig na maitala ng bagitong Ateneo-Pioneer sa magkahiwalay na laban sa pagbubukas ng 2000 PBL Challenge Cup na nakansela noong Sabado sanhi ng bag-yong Seniang.

Unang kikilatisin ng Ateneo-Pioneer ang lakas at bilis ng Shark Energy Drink sa unang laro sa ganap na alas-3 ng hapon.

Matapos ito, agad na isusunod ang banggaan sa pagitan ng Welcoat Paint at ng Montana Pawnshop sa dakong alas-5.

Ang nasabing mga laro ay ipalalabas sa PTV 4 at ang unang laro ay live na mapapanood sa alas-3 ng hapon, habang ang ikalawang sultada ay ipalalabas naman ng delayed sa primetime sa alas-8 ng gabi.

Nananatiling mahigpit na paborito ang Paint Masters na nakuha ang kanilang three-peat crown matapos ang 4-0 pamamayani kontra Shark sa titular showdown noong huling kumperensiya na makuha ang kanilang ikaapat na korona sanhi ng kanilang intact na line-up sa pamumuno nina Eugene Tan, Ren Ren Ritualo, Jojo Manalo, Anton Villoria at Yancy de Ocampo.

At sa muling pagbabalik ni Ryan Pamintuan at ang malaking improvement nina Francis Zamora at Allen Patrimonio mas higit pang tumikas ang cast ng Paint Masters.

Gayunman, hindi pa rin kumpiyansa si coach Junel Baculi sa lakas ng kanilang line-up dahil sa magsisimula pa lamang ang labanan at hindi pa nagkakaalaman ang mga koponan na pawang nagpalakas rin ng kani-kanilang line-up sa off-season.

"As I’ve warned those who would like to stop us, they better have the right artilleries ‘coz we have the right weapons. But that doesn’t mean we’re gonna play overconfident. Still, it’s a matter of how you utilize youre artilleries," paliwanag ni Baculi.

"We only had three days practicing collectively as one whole team Yancy (de Ocampo) and Eric (Canlas) just arrived from bagging the University games title for St. Francis," dagdag pa ni Baculi." We’ll just try our best."

Kung ano ang ginawang build-up ng Welcoat sa off-season, hindi rin nagpahuli si Montana coach Leo Isaac.

Pinapirma ni Isaac ang San Beda stalwarts na sina Jenkin Mesina, Jacques Gottenbos at ang 6’5 na si Ricky Calimag upang magbigay ng intensidad at palakasin ang kanilang core, bukod pa ang tulong nina Davaoeños Randy Panerio, Jayman Misolas, three-point shooter Jigger Saniel, dating UST Tiger Melchor Latoreno at ang top rookie na si Ranidel de Ocampo.

Magbibigay naman ng karagdagan ng karanasan sina dating Shark Power Booster Aries Dimaunahan, Gerald Ybañez, 6’7 Gilbert Lao at point guard Olry Torrente.

ALLEN PATRIMONIO

ANTON VILLORIA

AS I

ATENEO-PIONEER

CHALLENGE CUP

EUGENE TAN

FRANCIS ZAMORA

GERALD YBA

OCAMPO

PAINT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with