3rd edition ng Non-Masters sisimulan na

Nakataya ang kabuuang P20,000, tropeo at mga gift certificates sa 3rd edition ng Greenhills Shopping Center Non-Master Chess Bonanza na magbubukas sa Dec. 10 sa PCI Bank Arcade sa loob ng GSC Complex sa San Juan.

Ang chessfest na ito ay bukas para sa lahat ng woodpushers at ito ay isang araw na seven-round Swiss System event na hatid ng Pilipinas Shell, Pascual Lab., tagagawa ng Glutaphos ang brain vitamin at Unimart Supermarket na ang magkakampeon ay mag-uuwi ng P4,000 cash at P1,000 halaga ng grocery items.

Bukod sa P1,000 gift check, pagkakalooban rin ang ikalawa hanggang ikalimang puwesto ng P3,000, P2,000, P1,000 at P500, ayon sa pagkakasunod, habang ang 6th hanggang 10th placers ay bibigyan naman ng tig-P500.

Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan sa GSC Chess Club headquarters na matatagpuan sa nasabi ring venue at hanapin lamang si Joel Abarico o kaya ay makipagugnayan kay Lito Concepcion o Noemi Tabamo sa 7210572, 7210574 at 7264476.

Show comments