Nasa panganib na mapatalsik makaraan ang 2-0 pangunguna ng San Juan sa kanilang best-of-five Northern Conference Finals, pinag-init ng nagdedepensang National champion ang final quarter at makakuha ng tsansang maitabla ang serye sa kanilang laban ngayong hapon.
Ang Game Four ng serye ay ihohost ng Metrostars, na pinupu-laan ng San Juan, lalo na ni coach Philip Cesar dahil sa sobrang init sa loob ng court.
Ngunit hindi magiging balakid ang init ng hard-court upang manalasa ang Metrostars sa pangunguna ni Alex Compton nang magsabog ito ng 14-2 run na nagtulak sa 68-63 pangunguna ng Manila sa 14 puntos, 82-68 may anim na minuto na la-mang ang nalalabi.
Si Compton na nanlamig sa unang dalawang laban ng serye ay naging sandata sa kanilang krusiyal game kahapon makaraang magtala ng 25 puntos na tinam-pukan ng anim na three-point shot na sinamahan ang 4 rebounds at 6 assists.
At habang nagrehistro ng solidong laban sina Compton at Peter Martin, ang naging bayani ng San Juan na sina Chris Calaguio at Bruce Dacia ay hindi naman nakaporma. Si Calaguio ay may tatlong fouls na agad sa unang yugto pa lamang ng laro.
Gayunpaman, namuno pa rin ito sa Knights sa kanyang naitalang 15 puntos ngunit malinaw na binagabag ito ng kanyang fouls habang si Dacia na may average naman na 15.5 puntos ay hindi man lang nakakamada at lumasap pa ng minor hand injury.