NCR Chess Tourney kinansela dahil kay Seniang

Dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan at pagbaha dulot ng bagyong Seniang, iniatras ang NCR qualifying chess tournament para sa Asian Under-16.

Ang naturang event na itinakda noong Nov. 3 ay magbubukas ngayon sa alas-9 ng umaga sa 2/F PCI Bank Arcade sa Greenhills Shopping Center.

Ang chessfest na ito ay bukas para sa lahat ng kabataang babae at lalaki na may edad 16 pababa at ipinanganak sa taong 1984.

Tatanggapin pa ang mga huling magpapatala ngayon sa mismong lugar ng tournament isang oras bago magsimula ang tournament.

Para sa iba pang detalye tumawag sa MCC 8268560 at kay Sonia Cruz sa 8341845.

Show comments