Laro ng 2 pares ng team sa PBA, kinansela
November 4, 2000 | 12:00am
Dahil sa bagyong Senyang, kinansela ng PBA Commissioners Office ang nakatakdang dalawang pares ng salpukan ngayon na gaganapin sa Yñares Center sa Antipolo City.
Ayon kay PBA Commissioner Jun Bernardino, kanilang kinansela ang mga laro sa pagitan ng Purefoods at Tanduay Gold Rhum sa unang laro at ang paghaharap ng Sta. Lucia at defending champion SMB sa main game dahil sa malaking pagbaha sa buong parte ng Metro Manila na hinapit ng signal no. 3 ng bagyong si Senyang.
Sinabi pa ni Bernardino na saka na lamang nila ihahayag kung kailan muling itatakda ang naturang mga laro.
Samantala, ipinahayag din ni PBL commissioner Chino Trinidad na maging ang pagbubukas ng 2000 PBL Challenge Cup na nakatakda ngayong araw na ito ay kanselado din.
Sisimulan ng defending champion Welcoat Paint Masters ang kanilang kampanya sa pagdepensa ng kanilang korona kontra sa Montana Jewellers.
Walang ibinigay na araw kung kailan muling itatakda ang pagbubukas ng PBL.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended