^

PSN Palaro

1,000 coaching victory naitala ni Pat Riley

-
Miami--Naibulsa ni Pat Riley ang kanyang 1,000 coaching victory kung saan itinayo ng binalasa ng hustong Heat ang kanilang 20-puntos na kalamangan matapos ang 71/2 minuto upang pabagsakin ang Orlando Magic, 105-79.

Tumanggap naman si Alonzo Mourning na hindi na makakalaro ngayong season sanhi ng kanyang problema sa kidney nang isang mainit na ovation nang siya ay ipakilala bago magsimula ang kanilang laban.

Kumana si Tim Hardaway ng 12 sa unang 27 puntos ng Heat na uma-bante ng 17-3, 28-7 at 37-14. Tumapos naman si Hardaway ng 17 puntos at pitong assists sa 25 minutong paglalaro upang tulungan ang Heat sa kanilang most lopsided na panalo sa opener.

Sa Cleveland, isinalpak lahat ni Lamond Murray ang lahat ng anim na puntos ng Cleveland sa second overtime bago natapik ang bola palayo kay Doug Christie kasabay ng pagtunod ng buzzer noong Miyerkules ng gabi ang nagkaloob sa Cavaliers ng kanilang home opener victory kontra sa Sacramento Kings, 102-100.

Sa Charlotte, ikinunekta ni Richard Hamilton ang 15 sa kanyang 23 puntos sa fourth quarter upang bandera-han ang Washington sa 95-77 pamamayani kon-tra sa Hornets.

Sa Boston, tila walang epekto kay Paul Pierce ang pananaksak sa kanya noong nakaraang buwan at umiskor ito ng 28 puntos-20 nito ay sa first half upang pamunuan ang Boston sa 103-83 tagumpay laban sa Detroit Pistons.

Sa Philadelphia, kumamada si Allen Iverson ng 24 puntos upang tabunan ang impresibong first quarter ni Vince Carter at igupo ng Sixers ang Toronto Raptors, 104-98.

ALLEN IVERSON

ALONZO MOURNING

DETROIT PISTONS

DOUG CHRISTIE

LAMOND MURRAY

ORLANDO MAGIC

PAT RILEY

PAUL PIERCE

PUNTOS

RICHARD HAMILTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with