Malaysia pinataob ng Pinoy team sa Selangor Int'l Baseball Tourney

KUALA LUMPUR--Nagpakita ng lakas ang Philippines sa dalawang bahagi ng field sa pinaigsing five-inning 32-1 pagmamasaker sa Malaysia sa opening ng Selangor International Baseball championship sa Astaka field sa Petaling Jaya dito.

Gumawa ng three-inning, one-hit, no run start si Ernesto Binarao habang nagtala naman sina shortstop Larry Icban at first baseman Andoy Velasquez nang tig-limang runs upang ipakita ang kanilang lakas bilang paghahanda sa ASEAN Baseball tournament.

Show comments