Ipaparada ng Freezer Kings ang kanilang intact na line-up sa pamumuno ng slotman na si Marvin Ortiquerra, Ronald Tubid, Ariel Capus, Leo Vilar, Dondon Mendoza at ang hardworking swingmen na si Roland Pascual at Rey Mendez.
Pinalakas nina coach Dante Gonzalgo at assistant Bennet Palad ang koponan sa pagdaragrag nina Davaoeño Abby Galinato, Jojit Duremdes at ang nagbabalik na si Arnold Buboy Rodriguez.
Magiging starting pointguard ang 510 na si Galinato, habang idadagdag naman ni Duremdes ang kanyang karanasan na nakuha sa paglalaro sa MBA.
Umaasa si Gonzalgo na ang pagbabalik ni Rodriguez ang magdaragdag ng spirit at "magic" ng koponan bilang bahagi ng champion team na sumupil sa Tanduay Gold Rhum-masters sa 1998 PBL 2nd Centennial Cup.
Ang iba pang bubuo sa koponan ay sina Jon Reynoso, Felix Flores, Ariel de Castro at Jayjay Sullano.
"Sa pagbabalik ni Rodriguez, hopefully, maibalik namin yung championship caliber ng Ana," wika pa ni Gozalgo.
Aaktong team manager si Ana president Rudy Mendoza upang magbigay daan sa kanyang anak na si John Ferdinand Mendoza bi-lang team owner at PBL board representative.
Magiging team consultant naman si Paolo Mendoza.
Sa kabila nito, ipaparada rin ng Pharma Quick ang kanilang mga bata ngunit matatalentong line-up na binubuo ng collegiate stars mula sa UAAP at NCAA.
Mangunguna sa koponan ang USTs three-point shooter at wingman na si Frederick Hubalde, Letrans Orlan tama at Billy Moody, St. Benildes Jay lapinid, San Bedas Arnold Oliveros at San Sebastians Christian Coronel, Mark Macapagal at Nurjamjam Alfad.
Magbibigay ng karanasan para sa Pharma Quick ay sina Jun Jabar, Mico Roldan at Nick Habagat, Ang iba pang bubuo sa koponan ay sina Dondon Villamin, Edwin Pimentel, Jim Castellvi at Emil Malana.