Hawak ang mga puting piyesa, gumamit si Antonio ng ilang serye ng atake upang bumuka ang kanyang kalaban sa 32 moves ng Sicilian Defense. Mabilis na inilatag ni Antonio ang kanyang mating net sa kabila ng presensiya ng piyesa ni Fernandez.
Nakipaghatian naman ng puntos si GM Bong Villamayor kontra IM Luis Galego sa 30 sulungan ng French Defense. Nauwi rin sa draw ang laban sa pagitan nina Ildefonso Datu at IM Antonio Frois matapos ang 30 moves ng Reti.
Kinailangang isakripisyo ni IM Ronald Bancod ang kanyang rook para sa bishop, ngunit hindi ito sapat para siya makapaglunsad ng atake na ang kanyang pagsasakripisyo ay nauwi lamang sa draw bunga ng mahusay na depensa ni Diogo Fernando.
Sa womens side, umahon din ang Filipina sa kanilang kabiguan sa fourth round nang kanilang talunin ang Wales sa pamamagitan ng panalo ni Christine Espallardo sa board 3 kontra J. Wilson.
Bago ang panalo ni Espallardo, nauwi muna sa draw ang laban nina Arianne Caoli at Abigail Cast sa board 1, gayundin ang laban nina Beverly Mendoza at Annie Powell sa board 2 matapos ang 66 moves ng Closed Sicilian.