Sa kabila ng pagkawala ni RenRen Ritualo, kumpiyansa pa rin si coach Franz Pumaren sa kanilang tsansa sanhi ng pagkakaroon ng mga mahuhusay na reinforcements na magpapalakas sa kanilang kampanya na bubuuin nina BJ Manalo, Ramon Jose, Raymond Magsumbol, three-point shooters Ronald Cuan at Alvin Castro, bukod pa kina Miguel Gozum, sentrong si Manuel Ramos, Adonis Sta. Maria at forward na si William Joel Wilson.
At dahil sa pagkakaroon ng malalaking manlalaro mula sa PCU na sina Nelbert Omolon at Benzon Franco at ng mga beteranong sina Jay Torres, Michael Bravo, Richard dela Rosa at Dante Barredo, ang batang koponan na ito ay maituturing na isang mahiyaing dragon, ngunit nakahanda itong mag-buga ng apoy kung sila ay hahamunin.
"I believe this is a very talented team but we dont expect much on our maiden conference since were playing against more experienced squads," wika ni Pumaren na hindi na bago sa PBL sa dahilang siya ay nagsimula ng kanyang coaching career sa RFM-franchise sa koponan ng Rica Hotdogs noong kaagahan ng 90s.
Maging si Osaka president Jonathan Guardo ay nasisiyahan sa line-up ni Pumaren. Hindi siya umaasa ng husto, ngunit ito ay isang malaking mileage impact dahil sa kanilang rivalry ng Ateneo-Pioneer.
" I believe La Salles rivalry with Ateneo will provide a good mileage for the company. Our target is to get into the semifinals but Im not discounting possibilities. I will not be surprised if the team goes beyond expectations," pahayag naman ni Guardo.
Ngunit isa sa malaking problema ng iridologist ay ang kanilang cohesion. Matapos na makuha ang kanilang ikatlong korona sa UAAP, lumahok ang tropa ni Pumaren sa University Games at wala silang sapat na panahon upang ang iba pang mga recruits sa koponan ay mag-jell kasama ng De La Salle core.