Ang mga karatekas na ipadadala ay may edad mula 8 hanggang 17 at sila ay nakatakdang lumipad sa Nov. 3.
Ang koponan ay gigiyahan nina Richard Lim, Juan Carlos, T. Veguillas, Czar Manglicmot, Manolo Manuzon, Stephen Chua at Rex Ressurection.
Ang naturang tournament ay orihinal na inorganisa bilang dual meet sa pagitan ng AAK Philippines at ilang Japanese teams na pinalawig na kinabi-bilangan ng 13 iba pang mga bansa.
Ang iba pang bansang kalahok ay ang Australia, England, Canada, Kazakhstan, Russia, New Zealand, Cambodia, Thailand, India, Bangla-desh, Singapore, Malaysia at Brunei. Aabot sa 800 atleta mula sa nasabing bansa ang inaasahang magpapartisipa.
Samantala, pumayag na ang AAK Philippines na maging punong abala sa susunod na taong International Open Juniors Karatedo Championships sa Manila o kaya sa Cebu City.