^

PSN Palaro

50 Pinoy athletes lalahok sa Int'l Open Juniors Karatedo Tourney

-
Magpapadala ang Association for the Advancement of Karatedo (AAK) ng dele-gasyon na bubuuin ng 50 atleta, walong opisyales at 22 mga magulang para sa international Open Juniors Karatedo Championships na gaganapin sa Linggo sa Matsumoto City, Nagano Prefecture, Japan.

Ang mga karatekas na ipadadala ay may edad mula 8 hanggang 17 at sila ay nakatakdang lumipad sa Nov. 3.

Ang koponan ay gigiyahan nina Richard Lim, Juan Carlos, T. Veguillas, Czar Manglicmot, Manolo Manuzon, Stephen Chua at Rex Ressurection.

Ang naturang tournament ay orihinal na inorganisa bilang dual meet sa pagitan ng AAK Philippines at ilang Japanese teams na pinalawig na kinabi-bilangan ng 13 iba pang mga bansa.

Ang iba pang bansang kalahok ay ang Australia, England, Canada, Kazakhstan, Russia, New Zealand, Cambodia, Thailand, India, Bangla-desh, Singapore, Malaysia at Brunei. Aabot sa 800 atleta mula sa nasabing bansa ang inaasahang magpapartisipa.

Samantala, pumayag na ang AAK Philippines na maging punong abala sa susunod na taong International Open Juniors Karatedo Championships sa Manila o kaya sa Cebu City.

ADVANCEMENT OF KARATEDO

CEBU CITY

CZAR MANGLICMOT

INTERNATIONAL OPEN JUNIORS KARATEDO CHAMPIONSHIPS

JUAN CARLOS

MANOLO MANUZON

MATSUMOTO CITY

NAGANO PREFECTURE

NEW ZEALAND

OPEN JUNIORS KARATEDO CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with