3,000 runners lalahok sa Adidas King of the Road Race

Pakakawalan na ang pinakahihintay na Adidas King of the Road Race sa Nov. 19 mula Cultural Center Complex grounds sa Pasay City na aabot sa 3,000 runners ang inaasahang lalahok.

Ang nasabing 21K half marathon event ay dadaan sa Roxas Blvd., at bukas ito sa lahat ng runners at fitness buffs na may edad 14 pataas.

Tampok din sa 21K run na ito ang mga side events gaya ng 3K distance para sa kabataan na may edad 6 hanggang 12, 5K at 10K runs para sa mga edad 14 pataas.

Magsisimula na ang patalaan ngayon sa lobby ng Greenhills Theater sa Greenhills Shopping Complex sa Ortigas St., San Juan. Ang registration fee ay P50 at ito ay tatagal ng hanggang Nov. 13. Makukuha rin ang mga entry forms sa lahat ng Adidas outlets, Toby’s at Athletes Foot stores sa Metro Manila.

Ayon kay Adidas Phils., Inc., Marketing and Sales Director Rafael "Sonny" Nebres, naglaan ang Adidas ng kabuuang P90,000 cash at gift certificates sa top finishers sa 21K, 10K, 5K at 3K events, habang magbibigay naman ng Adidas singlets sa lahat ng finishers. Ang detalye para sa top prizes ay saka na lamang ihahayag.

Idinagdag din ni Nebres na magbibigay rin ang Adidas ng P10,000 cash sa mga kalahok na paaralan na makapagsusumite ng pinakamalaking bilang ng mga finishers. Defending champion sa karerang ito si Eduardo Buenavista na may oras na 1:04:14, habang sa babae ay si Avon National Women’s Champion Chris-tabel Martes na may tiyem-pong 1:22:29.

Show comments