^

PSN Palaro

Bronze medalist sa Paralympics, binigyan ng insentibo

-
Inaprobahan na ng Philippine Sports Commission kahapon ang nakalaang P200,000 proposal na budget para ipagkaloob kay Adeline Dumapong na nanalo ng bronze medal sa nakaraang Olympics para sa mga physically handicap sa Sydney, Australia.

Tumapos ang polio striken na si Dumapong ng ikatlong puwesto sa 74.6 kgs., category ng power lifting event at siya ay nakatakdang dumating ngayong araw sakay ng Philippine Air Lines mula sa Sydney, Australia at personal na sasalubungin ni PSC chairman Carlos Tuason sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang pagwawagi ng medalya para sa 26-gulang at 4’10 na si Dumapong mula sa Mabalot Poblacion, Kiangan, Ifugao ay tradisyon na sa kanya kung saan tumapos ito ng unang puwesto sa 1997 at 1998 APPLAND National competition, pumangalawa sa Asian championships sa Thailand noong 1999 at unang puwesto naman sa international Powerlifting qualifier sa Florida, U.S.A. nitong kaagahan ng taong kasalukuyan at humakot rin ng ginto sa 2000 Paralympiad sa Malaysia bago niya nasungkit ang kanyang bronze sa Sydney.

"We are very proud of her. At least, naitaas ang ating Flag sa Sydney, Olympics," wika ni Tuason." She is a very good example to others which proved that even a handicap person can bring honor to the country," dagdag pa niya.

Sinabi ni Dumapong nang siya ay bata pa, pangarap niyang magsilbi sa bansa bilang atleta at ito ay ibig alin man sa volleyball o softball player, ngunit dahil sa kanyang diperensiya, nagdesisyon ito na sumubok sa power-lifting at sinuwerte naman.

ADELINE DUMAPONG

CARLOS TUASON

DUMAPONG

IFUGAO

INAPROBAHAN

KIANGAN

MABALOT POBLACION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE AIR LINES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with