9-Ball Ladies Tourney sisimulan

Iniimbitahan ng Pool House Bar and Billiards ang lahat ng lady pool players na lumahok sa 9-Ball Ladies Tournament na nakatakda sa Nov. 5 sa Ground floor ng 681 Aurora Blvd., New Manila Q.C.

Ang naturang pool hall ay malapit sa Broadway Centrum at sa pagitan ng Bank of the Philippine Islands at ng Philippine Motor Association at ito ay mayroong 10 top line brand new Bruinswick tables.

Isang double elimination, winners-losers bracket at Race 5 ang format ng tournament na may P10, 000 premyo na naghihintay sa kampeon.

Bibigyan naman ang 1st runner-up, 2nd runner-up at 3rd runner-up ng P5,000, P3,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod.

Show comments