Ateneo , La Salle magsasagupa sa PBL Challenge Cup
November 1, 2000 | 12:00am
Nakahanda ng harapin ng mas matured na Ateneo de Manila ang matitinding hamon na kakaharapin sa pagbubukas ng 2000 PBL Challenge Cup sa Sabado sa Makati Coliseum.
Inaasahan na isa ang Blu Eagles na dadalhin ang pangalan ng Pioneer Insurance na hahakot ng malaking atensiyon ng mga manonood kung saan dadalhin nila ang rivalry nila ng La Salle-Osaka Iridology sa isang bagong kompetisyon.
Isa sa magiging bentahe ng Ateneo-Pioneer kontra sa La Salle-Osaka ay ang kanilang karanasan kung saan anim na manlalaro ang nagpakita ng aksiyon sa nakaraang kumperensiya itoy sina Enrico Villanueva, Wesley Gonzales, team captain Paul Tan-Chi, three-point shooters Rainier Sison at Andrew Evan Cruz at Alfred Antonio.
At dahil sa nasabing manlalaro, malaki ang tsansa ng Ateneo na makakakuha pa ng malaking tulong mula kina Paolo Bugia, Richard Alvarez, Marco Benitez, Christopher Quimpo at Eric Yao.
Dagdag pa sa pag-papalakas ng kanilang kampanya ang nagbabalik na coach na si Joe Lipa sa PBL at karagdagang mga beteranong manlalaro na sina Edrick Ferrer, Aldwin Manubag at Dexter Racho.
"I believe this is a much better line-up than last conference," sabi naman ni Nato Caluag na itinalagang team manager. "Its a much more complete team, and hopefully, chances will be a lot better."
Ang matanda ng rivalry ng La Salle at Ateneo ay nagsimula pa noong NCAA at kanila itong dinala hanggang sa UAAP kung saan humakot sila ng malalaking tagasubaybay ang siguradong magdadala sa bagong dimension sa PBL.
Ngunit para kay Caluag, hindi ang kanilang rivalry ang siya nilang pinakasentro nang sila ay sumapi sa liga.
"Basically, we joined the league to expose and further hone their talents in a more competitive field. The rivalry with La Salle is just one of the challenges to motivated our players, but there are other teams to take care of," paliwanag ni Caluag.
Ang hangad ng Ateneo-Pioneer ay ang agad na makapasok sa semifinals. At ito ay nangangahulugan na isang malaking pressure para sa six-foot stalwart na si Villanueva, ngunit kung makakakuha ng malaking suporta mula sa kanyang mga teammates, ang naturang kumperensiyang ito ang magsisilbing isang malaking break para sa korona.
"Of course, an MVP will be a big crown for my basketball career. But a players worth could be best gauged by winning the championship. Definitely, teamwork, and not individual talent, will play the key role in Ateneos campaign this conference," pahayag ni Villanueva.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended