^

PSN Palaro

Yakult 10 miler sisimulan na

-
Hanggang alas-5:00 ng hapon ngayon ang ibinigay na taning para sa mga runners na ibig na lumahok sa Yakult 10 Miler na nakatakda sa darating na Linggo upang magsumite ng kani-kanilang entries sa lobby ng Greenhills Theater sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Ave., Sa San Juan.

Tampok din sa nasabing karera ang side event na 3K at 5K run na bukas para sa lahat ng runners na may edad 14-anyos pataas at sa mga kabataan na may edad 6-12. Ang registration fee ay P50 sa bawat event. Wala ng patalaan sa araw mismo ng karera.

Nakataya sa Yakult 10 Miler ang mga cash developmental awards na nagkakahalaga ng P7,000, P3,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod at karagdagang tropeo sa top three overall finishers. Ganitong premyo rin ang tatanggapin ng mga kababaihan. Magbibigay ng karagdagang premyo na P1,000 at P500 sa makakatapos ng ikaapat at ikalimang puwesto sa lalaki at babae.

At sa 3K kids run at 5K funrun, ang top three finishers sa male at female ay tatanggap naman ng medalya at Yakult gift packs, habang ang lahat ng finishers ay tatanggap naman ng Yakult singlets, certificate of completion at Yakult health drinks na may Lactobacilli Shirota Strain.

vuukle comment

GANITONG

GREENHILLS SHOPPING CENTER

GREENHILLS THEATER

HANGGANG

LACTOBACILLI SHIROTA STRAIN

LINGGO

MAGBIBIGAY

ORTIGAS AVE

SA SAN JUAN

YAKULT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with