Pinoy archers pa-Hong Kong
October 31, 2000 | 12:00am
Nakatakdang sumabak ang Filipino archers na sariwa pa sa kanilang tagumpay sa nakaraang Malaysian National Archery Championship sa Asian Circuit Archery tournament Fourth Round na gaganapin sa Siu Sai Wan Sports Ground sa Hongkong sa Nov. 7-13.
Ang RP national recurve bow archery team ay binubuo nina Christian Cubilla, Oscar Briones, Marvin Cordero, Nerickzon Fraginal, Bryan Carlo Figueroa at Adelinda Figueroa.
Tatayo namang head coach at assistant sina 1988 Seoul Olympian Rowel Merto at Pedro (Jun) Cortez Jr., ayon sa pagkakasunod sa isang linggong panaan na ina-asahang lalahukan ng hindi bababa sa 20 bansa.
Ang recurve ay kasama ng koponang compound bow na nag-uwi ng apat na medalyang ginto, limang pilak at anim na tanso sa Malaysian tilt mahigit dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan.
Ipinahayag kahapon ni National Archery Association of the Philippines (NAAP) secretary-treasurer Ligaya Manalang na ang biyahe ng walo-kataong koponan ay itinataguyod ng (PSC).
Maliban kay Briones, ang limang bow slinger ay mga kasapi sa ATLETA (Athletics Assistance) Program ng nasabing government sports agency na pinapangasiwaan naman ni PSC Commissioner Ricardo Garcia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended