Slashers tumabla sa Gems sa MBA Southern Conference

Sa kabila ng pagkawala ni John Ferriols na hindi nakalaro dahil sa injury, hindi ito dahilan upang pigilan ng Negros Slashers ang tangkang sweep ng Cebu Gems at kanila itong sinilat sa 100-95 upang itabla ang kanilang MBA Southern Conference Finals sa 1-1 sa Cebu City Coliseum kahapon.

Hindi ininda ng Slashers ang pagkawala ng 1998 MVP na na-sideline bunga ng pagkabali ng kanyang hinlalaki sa Game One ng serye noong Sabado, nagsilbi pa itong inspirasyon para sa Negros at impresibong performance ang kanilang ipinakita at hindi man lamang nila pinagbigyan ang Gems na humawak ng trangko kung saan kontrolado nila ang buong laro.

Bunga ng panalong ito, ang serye ay tutungo naman sa homecourt ng Slashers sa Bacolod City sa Sabado.

Show comments