^

PSN Palaro

Manila vs Cebu, nakaambang magsagupa sa MBA Conference finals

-
Tanging dalawa lamang mula sa apat na koponan na nakapasok noong nakaraang taon sa MBA Conference Finals ang matagumpay na nakabalik sa kanilang biyahe ngayong season at ito’y ang defending National champion Manila at ang gutom sa titulong Cebu Gems na inaasahang muli na namang mabubuhay ang kanilang matinding rivalry.

Winalis ng Metrostars ang Pasig-Rizal Pirates sa playoffs na nagkaloob sa kanila ng slot para sa best-of-five North Finals kontra sa San Juan, habang itinakas naman ng Gems ang 96-79 tagumpay kontra sa Iloilo Megavoltz noong Miyerkules sa kanilang knockout match na siyang naghatid naman sa Gems na okupahan ang huling nalalabing Finals slot para sa Southern.

Matatandaan na nabuo ang matinding rivalry sa pagitan ng Manila at Gems nang ang dalawang koponan na ito pa ang siyang nagharap para sa National Finals noong 1999 na pinagwagian na-man ng Metro-stars, 4-3.

Dahil sa pagkawala nina Rob Wainwright at Dondon Hontiveros na napunta sa kabilang liga, nangangamba si coach Tonichi Yturri.

"The Gems are a better team this year than the past two years, we may have had more stars before but this year our players sacrifice a lot more for the team, we execute a lot better," ani Yturri.

Susi sa panalo ng Gems sina Mat Mitchell at Stephen Padilla, gayundin sina Arnold Gamboa, Homer Se at Carlo Sayon na inaasahang magiging alas din ni Yturri sa kanilang panibagong hamon na kakaharapin.

ARNOLD GAMBOA

CARLO SAYON

CEBU GEMS

CONFERENCE FINALS

DONDON HONTIVEROS

HOMER SE

ILOILO MEGAVOLTZ

MAT MITCHELL

NATIONAL FINALS

NORTH FINALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with