^

PSN Palaro

Ateneo Ladies yuko sa Western Mindanao State University

-
Naging maganda ang panimula ng Western Mindanao State University Lady Soccarettes nang kanilang gapiin ang paboritong Ateneo de Zamboanga City U, 3-0 noong nakaraang Linggo upang harapin ang opening day winners sa first Philippine Retirement Authority Members Association Foundation, Inc.,-United Nations Information Center (PRAMA-UNIC) Football for Peace Ladies Open division sa Sta. Maria Central School football field, Zamboanga City.

Bunga ng pagliban ng multi-titled Davao PTA women hotshots, mahigpit na paborito ang WSU Lady Shinbusters nang agad na kumana ng tatlong markers sa first period ng hindi man lamang nila binigyan ng pagkakataon ang Ateneo goalie na makaporma.

Tig-isang goal ang kinamada nina Giselle Castillo, Emisalle Locson at Bonnevie Abarrientos upang pamunuan ang WSU at hiyain sa kanilang sariling teritoryo ang Ateneo sa loob ng 33 minuto sa 10th, 27th at 43rd minutes na labanan.

Naging panauhing pandangal si Congressman Celso Lobregat, Zamboanga City Mayor Clara Lobregat, PRAMA President at CEO Ramon M. Collado sa pagbubukas ng hostilidad at sila ang sumipa ng ceremonial ball.

Sa iba pang laro, tinalo ng Zamboanga City Polytechnic College high school ang Zamboanga City West high, 4-1, para sa 12-14 years old category sa lalaki.

Sa 15-18 division for boys, nalimita ng Hung Jabat Club ang Filipino-Turkish Tolerance School, 3-1 upang makasama ang opening day winners sa event na ito.

Humataw ng isang goal si Michael Lladones sa 53rd minute upang dalhin ang Agriculture Football Club sa 1-0 panalo kontra Ateneo de Zamboanga City

AGRICULTURE FOOTBALL CLUB

ATENEO

BONNEVIE ABARRIENTOS

CONGRESSMAN CELSO LOBREGAT

EMISALLE LOCSON

FILIPINO-TURKISH TOLERANCE SCHOOL

GISELLE CASTILLO

HUNG JABAT CLUB

LADY SHINBUSTERS

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with