^

PSN Palaro

Batang Red Bull solo lider na sa PBA Governors' Cup

-
Naitakas ng Batang Red Bull ang 69-66 pamamayani kontra sa Sta. Lucia Realty upang muling masolo ang pangkalahatang pamumuno at okupahan ang unang quarterfinals berth sa PBA Governors Cup eliminations sa PhilSports Arena kagabi.

Naitala ng Red Bull Thunders ang kanilang ikalawang sunod na panalo, ikalima sa kabuuang anim na laro mata-pos ipalasap sa Realtors ang ikalawang kabiguan sa limang pakikipaglaban.

Nakaiwas ang Sta. Lucia sa napipintong overtime ng magmintis si Ronnie Magsanoc sa kanyang tangkang tres bago tumunog ang final buzzer na sana’y magbubunga ng extra five minutes.

Binasag ni import Ray Tutt ang 64-pagtatabla matapos ang kanyang dalawang free throws at kasunod nito ang magkasunod na turnovers nina Dennis Espino at Chris Tan na nagtamo ng passing error at travelling, ayon sa pagkakasunod ang naglagay sa Realtors sa alanganing sitwasyon.

Nagkaroon ng pag-asa ang Sta. Lucia ng kumana ng basket si import Joe Temple matapos ang split shots ni Davonn Harp na naglapit ng iskor sa 66-67, 9.5 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Kasunod nito, naikunekta ni Ato Agustin ang dalawang free throws mula sa quick foul ni rookie Paolo Mendoza para sa tatlong puntos na kalamangan ng Red Bull, 8.8 segundo na lamang sa laro.

Kumawala sa second quarter ang Sta. Lucia kung saan kanilang naitala ang 8-puntos na bentahe at tanganan ang 31-26 kalamangan sa pagsapit ng halftime matapos limitahan sa 8 puntos ang Red Bull.

Isang 10-0 atake ang ibinagsak ng Realtors sa ikalawang canto upang iposte ang 26-18 kalamangan na naibaba ng Red Bull sa 24-26 sa pamamagitan ng 6-0 run.

vuukle comment

ATO AGUSTIN

BATANG RED BULL

CHRIS TAN

DAVONN HARP

DENNIS ESPINO

GOVERNORS CUP

JOE TEMPLE

LUCIA REALTY

PAOLO MENDOZA

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with