Metrostars vs Knights sa best-of-five sa MBA
October 26, 2000 | 12:00am
Mahuhusay na rookie, mala-moog na depensa at malaking improvement ng San Juan ang ilan lamang sa magiging malaking banta sa Manila Metrostars sa kanilang layuning mapanatili ang kanilang hawak na MBA National title.
Isinaayos ng Metrostars at Knights ang kanilang best-of-five series para sa Northern Conference crown simula sa susunod na linggo para sa kakatawan sa North sa best-of-seven National series kalaban ang maghahari naman sa Southern.
Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyan pa ring nakikipaglaban ang Cebu na natalo sa Manila noong nakaraang taong titular series nila kontra sa Iloilo Megavoltz sa KO match sa Cebu City na magtatangka namang makuha ang nalalabing huling slot sa Southern Conference finals kontra naman sa naghihintay ng Negros Slashers.
Bagamat nasa panig ng Manila sina 1999 MVP Alex Compton, top center Romel Adducul kasama sina Gilbert Demape at Peter Martin na inaasahang siyang magiging alas ng Manila, malaki pa rin ang pangamba ni coach Boysie Zamar sa dahilang halos lahat ng koponan ay ibig silang talunin.
" We have a good lineup, but let us remember that during the off-season, halos lahat ng teams nagpalakas at siyempre, lahat sila gustong kunin sa amin ang National championship," wika ni Zamar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended