Nakalubog sa 0.5-1.5, humatak ng panalo sina National Master Victor Cabrido at hindi kilalang si Razel Lagman sa Board 1 at 4, ayon sa pagkakasunod upang dalhin ang Sampaloc Chess Club sa 2.5-1.5 pamamayani na nagtulak sa kanilang biktima na dumausdos sa ibaba kasama ang dalawang iba pang naging biktima ng SCC na may 4.5 puntos.
Ang dalawang iba pa na maaaring umagaw ng top position sa nalalabing huling tatlong rounds ng nine-round Swiss System event na ito ay ang Marikina City at Cubao Knights.
Sumandig naman ang Marikina sa tikas nina Jose Manabilang at Rainer Labay na naglaro sa lower boards upang gulantangin ang Tabilog-Rivera Dumlao, 3-1, habang nagposte rin ang Cubao Knights ng ganitong panalo kontra sa University of Santo Tomas.
Nakipaghatian naman ng puntos ang Pilipinas Shell sa NDT Forwarder "B" upang manatiling hawak ang ikalawang puwesto sa kanilang apat na puntos kasama ang Philippine Army at Mayor Jimmy Fresnedi team.
Ginapi ng Philippine Army ang Angeles City, 3-1, habang naungusan naman ng Muntinlupa-based squad na sa kabila ng pagkawala ni NM Ildefonso Datu na kasalukuyang nasa Istanbul, Turkey para sa World Chess Olympiad ang Department of Trade and Industry.