Pilipinas Shell iginupo ng Phil. Navy sa GSC Chess Team Championships
October 24, 2000 | 12:00am
Sumandig ang Philippine Navy sa panalo nina National Masters Yves Rañola at Jeffrey Nodado sa Boards 1 at 2 upang igupo ang dating co-leader na Pilipinas Shell at agawin ang pamumuno matapos ang limang round ng Greenhills Shopping Center Chess Team Championship sa GSC Complex sa San Juan.
Ang dalawang panalo nina Rañola at Nodado kontra sa batang NMs na sina Ronald Dableo at Darwin Laylo, ayon sa pagkakasunod ang tumabon sa kabiguan ni Truman Hernaez kay Noel dela Cruz sa Board 3 at kinumpleto naman ni Roland Salvador ang kanilang 3-1 pamamayani kontra Marlon Ricafort.
Ang panalo ng Navy ay nagkaloob sa kanila ng 4.5 puntos at isang puntos na kalamangan sa anim na koponan na kinabibilangan ng kanilang biktima sa nine-round Swiss System event na ito na suportado ng Nova Chips, Coca Cola, Jacobs Crackers, Lemon Square, Salon-ship Aquapatch, Mister Donut 24-hour Greenhills Branch at Glutaphos.
Ang may 3.5 puntos ay ang Marikina City, Sam-paloc Chess Club, Cubao Knights, Tabilog-Rivera Dumlao at University of Santo Tomas.
Naligtasan ng Marikina City ang hamon ng UST nang makipaghatian sila ng puntos sa 2-2, nauwi rin sa draw ang laban ng Sampaloc Chess Club at ng Cubao Knights at naungusan naman ng TRD ang Rizal Technological University, 2.5-1.5.
Ang mananalo sa event na ito ay tatanggap ng P20,000, habang ang pangalawa hanggang ikaapat na puwesto ay mag-uuwi ng P15,000, P10,000 at P5,000,ayon sa pagkakasunod bukod pa ang mahigit sa P10,000 para sa individual board winners.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended