Pharma Quick ika-9 na pumasok sa PBL Challenge Cup
October 22, 2000 | 12:00am
Tuluyan ng lumihis ang Philippine Basketball League sa kanilang desisyon na mula sa ideal na eight-team format makaraang tanggapin ang Pharma Quick bilang ikasiyam na koponan sa nalalapit na PBL Challenge Cup na nakatakdang magbukas sa November 4 sa Makati Coliseum.
Ipinaliwanag ni PBL Commissioner Chino Trinidad na ang social dimension ang siyang malaking dahilan kung bakit nagdesisyon ang PBL membership committee na tanggapin ang Sandy Javier-owned company sa kanilang deliberasyon noong Huwebes ng gabi.
"Pharma Quick came to us seeking our help, and we saw the social responsibility as contribution sa mga kababayan natin dahil dito sila makakakuha ng murang gamot at 24 oras pa ang serbisyo sa tao," paliwanag ni Trinidad kasama sina PBL COO Perry Martinez at Ike Huanio, presidente ng bagong organisang Metropolitan Amateur Billiards League (MABL).
At bunga ng pagkakasama ng Pharma Quick, ang PBL regular conference ay magiging tatlong grupo ng interintra format kung saan ang bawat koponan ay makikipagharap sa kanilang ka-grupo ng dalawang ulit at isang beses naman sa kabilang grupo.
Ka-grupo ng Pharma Quick ang dalawang iba pang probationary members--La Salle-Osaka Iridologist at ng Ateneo-Pioneer Insurance. Kasama naman ng three-peat champion Welcoat Paints ang Ana Freezers at ang Montana Pawnshop sa Group A, habang kagrupo ng Chairmans Cup runner-up Shark Energy Drink ang Hapee Toothpaste at ang bagong champion na Blu Detergent.
Nananatiling bukas pa rin ang format ng semifinals dahil kasalukuyan pa ring nakikipag-negosasyon ang liga sa posibleng paglahok ng top Taiwanese team na Yulong-Nissan Motors na seeded sa semis kontra sa top five qualifier.
Nakahanda na rin si Javier na magbayad ng P1.5 million franchise fee bukod pa ang administrative at TV coverage expenses at kanilang hinirang si Bernard Fabiosa bilang mentor ng koponan na kasalukuyan pa ring nagpa-finalize ng kanilang line-up.
Sa kabila nito, inihayag rin ni Martinez na umabot na sa 16 ang bilang ng mga koponan na lalahok para sa Philippine Youth Basketball League kumpara sa inaasahang 10-12 teams.
Kabilang sa mga koponan na nagpadala ng kanilang lahok ay ang FEU-Mr. Wash, College of St. Benilde, Tac Padillas Spring Cooking Oil, Manuel Luis Quezon University (MLQU), Guagua National Colleges, Assumption Colleges of Pampanga, Gringo Express and Crystal Spring-Las Piñas College.
Tanging ang mga manlalaro lamang na may edad 18-25 ang puwedeng lumahok sa ligang ito ng PYBL at walang ex-pros na papayagan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest